March 10, 2012

ALEJANDRO “DREXX” GARCIA: Learning for a Living

“Huwag mo nang tanungin kung hanggang kailan tatagal ang UNO. Ang tanungin mo, hanggang kailan ka tatagal sa UNO.”

Bartender + Technician + DJ + Singer + Dancer + Choreographer = ALEJANDRO GARCIA.

Ito ang formula ng isang complete entertainer. Sumabak na si Idol Drexx sa entertainment industry dito at sa Japan. Sa katunayan, naging choreographer na rin siya ng mga kilalang artistang tulad nila Jay-R, South Border, Shaina Magdayao at Angelica Panganiban.

Nasubukan na rin niyang mag-negosyo matapos umuwi galing Japan. Nag-invest siya ng 1.3 M sa isang maliit na restaurant at 800,000 para sa isang computer shop. Malaking porsyento ng ipon niya sa Japan ang nagugol sa mga ito, pero sa kalaunan, hindi siya kumita.

Nang mainvite si Idol Drexx sa Network Marketing, sa umpisa’y negative siya. Sabi nga niya, mayroon siyang “AKNY” dito- “Alam ko na yan”. Ngunit nakita niya ang mga magagandang resulta na nakuha ng mga ordinaryong tao sa pamamagitan nito. Minabuti niyang pag-aralan ang mga taong naging successful ditto para malaman niya kung paano nakakamit ang tagumpay.

Sa totoong lang, sa dami ng kaniyang nararanasan, marami nang alam si Idol Drexx sa business at sa buhay. Pero imbes na ipagmalaki niya ito, nananatili siyang mapagkumbaba at patuloy siyang naghahanap ng bagong kaalaman. “Walang madali sa buhay. Lahat kailangang aralin. Ang maganda sa UNO, while learning you earn!”


“May nagsabi sa akin na para masabing naging successful ka sa Network Marketing, dalawa lang ang kailangan – matinong kasama at matinong kumpanya.” Ayon kay Idol Drexx, nakita niya ito sa UNO. “Maganda ang mga products, ang marketing plan at yung mga may-ari makikita mong mong talagang nakakausap mo at ramdam mo yung sincerity.”

Bukod doon, mahalaga rin na ang vision ng kumpanya ay umaayon sa sarili mong vision sa buhay. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ka ng mas malakas na belief system. “Mahalagang naniniwala ka sa mga produkto, sa mga CEO, sa sarili mo at lalong lalo na sa Diyos…importante ang dasal. All things are possible with God.”

Marami nang napagtagumpayan si Idol sa pamamagitan ng UNO. Ang pinakamahalaga sa lahat ng mga tagumpay na ito ay pagtulong sa marami. “Ang naibigay ng UNO, hindi maibibigay ng iba. Sabi nga, everything has a purpose… siguro ibinigay sa akin ang UNO para talaga makatulong.”

Lahat tayo’y may ninanais na tulungan. Mga kamag-anak na kulang ang panggastos sa pang- araw-araw, mga kaibigang hindi makahanap ng trabaho at walang pinagkakakitaan, mga kaklase na hindi makapagbayad ng tuition fee sa sobrang pagkamahal, at maging ang mga palabuy-laboy sa lansangang naghahanap ng tulong para lamang makakain at makaraos para sa isa na namang araw ng pagtitiis sa kahirapan.

             Maaaring UNO na ang paraan para makatulong ka rin. Tulad ni Idol Drexx, maaaring ito na rin ang dahilan kung bakit sa dinami-daming tao, ikaw ang nabigyan ng kaalaman tungkol sa UNO. Maaring sa pamamagitan nito, matupad mo ang pangarap mo at ang pangarap ng marami pang tao. 

No comments:

Post a Comment