March 10, 2012

MARK GAJILAN: Making a Mark


“Mahirap husgahan ang isang bagay na hindi mo pa nararanasan.”

      Kung ang pagiging first timer sa larangan ng Multi-Level marketing ang pag-uusapan, hindi mawawala sa talakayan si MARK GAJILAN. Sa UNO niya naranasan ang maraming “UNA” – unang invite sa network marketing, unang investment, unang pagkakakitaan, at siyempre pating ang kaniyang unang asenso kasama na ang unang kotse at unang milyon!

          Nang maimbita siya sa UNO, isa lamang siyang 4th year college student sa San Beda sa kursong BS Psychology na dumedepende sa kaniyang amang nagtatrabaho sa ibang bansa para sa tuition fee at sa kaniyang ina para sa allowance. Maayos man ang lahat, dumating ang pagkakataon na na-realize niyang kailangan niyang kumita sa sarili niyang pera at maging independent. Ito ay noong nalaman niyang magiging isa siyang ganap na ama. “Annulled ang mother at father ko. Umalis yung father ko six months old pa lang ako at hindi pa rin kami nagkikita. Sa phone lang kami nag-uusap. May pamilya na sya doon. Yung mother ko naman, nag-asawa na rin. May mga step-sisters and brothers ako. Nakatira kami sa step-father ko. Hindi madaling humingi sa father ko kasi wala siya dito. Syempre, ayoko rin namang humingin sa mother ko.

          Sinubukan niyang mag-apply sa call center, pero dahil immediate ang pangangailangan niya sa pera at kailangang mag-training ng dalawang buwan bago makapagsimula, naisip ni Idol Mark na maghanap ng ibang opportunity. Mabuti na lamang at may nag-invite sa kanya sa UNO. “Hindi naman ako negative pero syempre, Network Marketing, may negative connotation, kaya hindi rin ako positive. Pero ‘pag usapang kitaan, mababaliw ka talaga…lalo na’t nakita ko yung proof nila.”
Tulad ng karamihan, naging isang malaking question mark kay Idol Mark ang pagkukuhaan niya ng Product Package na 7,300. Binenta niya ang PSP ng kaniyang kapatid at pinangakong papapalitan niya ito after one month. Dahil sa pagpupursigi at paghataw magdamag, natupad rin naman niya ang kaniyang pangako.

          Hindi man naging agaran ang naging kitaan, matapos ang apat na buwan ay may nakita naman siyang resulta, kaya lalo siyang nagsikap na i-work out ang UNO. After just eight months of being in the business, he earned his first million! 23 years old lang siya noon. Grabe! “Trabaho lang! Hataw lang! Bawal mapagod! Hannga’t may tubig, igibin mo nang igibin.”

            Para sa isang first timer sa ganitong larangan, malayo na nga ang narrating ni Idol Mark Gajilan. Isa itong patunay na ‘di tulad sa maraming mga trabahong ina-applyan na kailangan ng experience, sa UNO kahit baguhan ka pa lang ay may pagkakataon kang umasenso. May pagkakataon kang kumita rin ng milyun-milyon.

No comments:

Post a Comment