March 10, 2012

JOSEPH SAGARAN: A great Conqueror!!


“Be passionate when you’re doing UNO, there are no free lunches, just work hard”

       Pagdating sa business, importanteng sabayan natin ang saliw ng panahon. Kung ayaw mong maiwan, kung ano ang patok, ‘yun ang dapat sundan. Buti na lamang at nakipagsabayan si Joseph Sagaran. Dati, ang dating sinasabayan ni Idol Jo ay ang saliw ng musika bilang isang professional dancer at choreographer. Masaya man, kadalasa’y hindi pa rin sapat ang kitaan.

        Nang una siyang ma-introduce sa Network Marketing ng kaniyang kuya, negative siya. “Hindi ako makapaniwala sa kitaan. Tapos ang tingin ko sa network marketing, door to door type of business.” Pero nang ma-invite siya ni Sir Oliver Chua at ma-discuss na sa kaniya ang UNO, nakita niya ang malaking kaibahan nito sa ibang mga Networking Marketing companies. “The marketing plan is duplicable and designed to last, the products are consumable and effective, and the prices are competitive. The owners are very good leaders.”
       
      Hindi naging madali para sa kaniya ang pag-asenso sa UNO. Kwento nga niya, “I started here from scratch, from zero, as in nothing. I started full time agad, I had a small room in Guadalupe, Makati that I was renting- as in small na kama lang ang kasya.” Para masustentuhan ang kaniyang grupo sa North and South Luzon, madalas siyang umutang sa kaniyang mga kaibigan. Dahil four months din ang lumipas bago niya nakuha ang first check niya, dumepende siya sa pagbenta ng products para masustentuhan ang mga pangangailangan niya upang gumalaw sa business.

       Ilang beses siyang naglakad sa The Fort area, kahit pa umuulan, para madeliver on time ang mga orders dahil wala siyagn pang-taxi. “I also experienced na buhatin yung isang box ng glutathione soape 5 blocks para ipa-LBC ko to Samar sa katirikan ng araw…tapos babalikan ko pa sa office yung other box!”

     Naging mahirap man, hindi naman mapapantayan ang sense of fulfillment na kasama sa tagumpay. “Dahil sa UNO, nagkaroon ako ng financial freedom, cars, condo unit at isang team ng mga totoong tao- The Conquerors”. Pero bukod sa material rewards ng UNO, mas binibigyang halaga ni Idol Joseph and mga ‘di matutumbasang kaalamang nakukuha niya sa pamamagitan nito. Dito niya natutunan kung paano maging successful. Dito niya nalabas ang kaniyang full potential.
           
          Ayon ka Idol Joseph, sa UNO, hindi lang buhay mo ang mababago mo, kundi pati ang buhay ng ibang tao. “You can make a difference in life! Just believe! Let’s help one another grow and achieve our dreams!”

No comments:

Post a Comment