March 10, 2012

ROLLSTEIN PINANGAT: A Fast and Furious Comeback

            "A successful person sees the opportunity in every difficulty."


         Ang buhay ay parang gulong. Minsan, nasa itaas, minsan naman ay nasa baba.
       
         What goes around comes around, sabi nga nila. Madalas man nating marinig ang mga katagang ito, hndi pa rin natin mapagkakaila ang katotohanang kaakibat nito, at ito ay napatunayan ni RS Pinangat.

          Si RS ay kabilang sa malaking porsyento ng broken families. Hiwalay ang kanyang ama't ina. Nag drop out sya sa pag-aaral. Namukod sya sa kaniyang pamilya nanag maaga. sabi nga nya, nagmistulan syang "tambay" at "palamunin" ng mga kaibigan niya noong nag-uumpisa pa lamang siyang mamuhay nang independent sa mga magulang niya.

          Maaga pa lamang ay na-expose na siya sa sales. Sa katunayan, isa sa mga una niyang naging hanap-buhay ang pagbenta ng Citi Ban Credit Cards sa mall. Commission-based ang kitaan. Bukod doon, binibigyan lang sila ng daily allowance.

         Tiniis nya ang pagkita ng kulang, inabot ito ng walong buwan hanggang sa mamulat siya sa magandang kinabukasang maaaring mabigay ng Multi-Level Marketing.



         "Sa unang nasalihan ko, kumita ako ng malaki," sabi nya. "Nakuha ko first million ko, 19 years old ako. Kumita ako ng halos 34 million, pero lahat yun naubs. Hindi ko naman na-realie na hindi stable yung kompanya, kaya pati yun nawala."

         Bata pa lang si RS noong mga panahong iyon, kaya't aminado siyang marami siyang naging pagkakamali, lalo na sa paghandle ng grupo at ng pera.

         "Nung na-intoduce ako sa UNO, negative ako." Marami kasi siyang naging pag aalinlangan. Lalo na't hindi maganda ang naging karanasan niya noon. "Pero yung wala kang kahit ano ngayon pagkatapos mong magkaron noon, sapat na yun na motivation."

          Nakita niya ang magandang oportunidad sa UNO. At nakita rin niya ang stability ng kumpanya.

          "Sa UNO, may product movement. Consumable kasi yung mga products. Isa pa, yung mga may-ari, nakikita mo, nakakausap. Hindi katulad sa iba na nakikita mo lang sila sa picture at hindi mo talaga sila nakikilala.

          Guided by his mistakes in the past, pinagsikapan niya't muling inahon ang kaniyang kalagayan sa pamamagitan ng UNO. Matapos ang apat na buwan, nakakita na siya agad ng resulta. Nakabili siya ng anim na kotse at ng condominium unit.

         Sa kanya, ang tagumpay sa UNO ay nakasalalay sa kung paano makiapg-usap sa downlines at mag-handle ng grupo. "Isa sa mga natutunan ko, dapat kilalanin mo ang mga to mo nang mas malalim, especially yung mga leaders mo."


         Tutok na tutok talaga si RS sa kaniyang grupo. Lagi siyang humahataw at gumagabay. At sa marami niyang mga pangaral at pagsabi, ang isa sa mga pinakamahalaga niyang paalala ay, "the success of one is the success of the group. Magbigay ka ng extrang effort para mas maramdaman mo yung achievement."

No comments:

Post a Comment